Nakakainis pag nakakabasa ako ng mga blogs na walang depth walang sense at walang significance sa contemporary na buhay. Gusto ko kasi may nakukuha akong impormasyon pag nagbabasa, na kahit paaano e may mapupilot akong aral. Wala naman akong mapapala kung magbabasa ako ng mga love story dahil sa tingin ko naman e aksaya lang ng oras ang mag-mahal. Wala namang kwenta ang umiyak kung alam mong wala ka namang magagawa. Sa mga pagkakataon na wala kang kontrol sa mga nangyayari sa paligid mo, wala nang maiging solusyon diyan kundi ang tanggapin na lang ng maluwag sa dib-dib at siguradong makakaiwas ka pa sa high-blood. Ito rin ang lagi kong pinapayo sa mga kaibigan ko kung sumosobra na ang pagka-emo pag dating sa love life. Pero sa mga nakaraang araw e mejo nagiging mahina ang loob ko at nagiging vulnerable ako sa mga trivial na bagay na alam ko naman na pagtatawanan ko lang pagdating ng panahon. Kumbaga kung sa health e eto yung panahon na pinakamahina ang aking resistensiya at madaling dapuan ng sakit, kaya ang di kapani-paniwala ay nangyari. Nainlab ako sa isang taong di ko pa nakikita. Malamang ay marami na ang nakadanas neto dahil sa advent ng social networks pero hindi ko inakalang mangyayari sa kin to!! Ang good news naman e alam kong mapaglilipasan din ng panahon ang kabaliwang ito at hiling ko lang e sana sa madaling panahon.
Mabuti na etong nailalabas ko though tumblr at kahit paaano e gumagaan ang loob ko, kahit na walang depth walang sense at walang significance sa contemporary na buhay.
theurbanhistorian:
1939 - President Manuel L. Quezon already envisioned that after Manila inside the walls of Intramuros burst into the seams and expanded into the different suburbs, it would expand further again. The growth of Manila during the 20s and 30s made the City of Manila, a major Port City in Asia. By this…
correosfilipinas:
Harrison Plaza, Manila, Philippines c.1970s
Dito na ko manila, need to constantly watch my wallet out from people who constantly take things without asking. IstoryangManila: Ilang beses ka na bang nadukutan o nahold-up sa Manila? ako 6 times na. I asked a good friend of mine of why I am always the target of wrongdoings in manila, kasalanan ko bang maging pogi at mukang mayaman? A strange look in her face came in sight and then told “Hindi ka hino-hold-up dahil mukha kang mayaman, hino-hold-up ka kasi muka kang tanga!” and then they laughed their lungs out. Fair enough I thought. “nako, at least may naibibigay ako sa kanila, nako, pag kayo na-isnatchan ng cellphone e baka i-pokpok pa sa inyo yun kasi wala ng value!” lols… di ko nasabi yun,.

(Source: )
Sa sinehan nalilito ako kung saan ilalapag kamay ko, kung sa kaliwa ba o sa kanan? Wala kasing manual na pwedeng pang-hagilapan ng sagot, kung saang arm rest dapat na may karapatan akong ilapag yung mga braso ko. Gusto ko sanang tanungin yung guard kaso nakakahiya naman. Pwede sana na hindi ko na lang pansinin at nang maging panatag ang panunuod ko, lalo na kung cartoons! kung ganun lang sana kadali. Nasanay na kasi ako na laging may sinasandalan ang braso. Pag kumakain sa lamesa, nagbabasa sa library at kahit habang tina-type ko ito sa laptop. May katamaran lang talaga ang parteng ito ng katawan ko. May sariling utak, automatic! Nasisikil tuloy ako lalo na kapag may katabi ako sa kaliwa’t kanan. “pwede I-rest ko kamay ko dito?” kadali isulat pero d kadaling itanong sa totoong buhay.
P.S. Sulatan ko kaya si ate Charo>?
(Source: )
Just got back from the mall with my nieces and nephew and as I have perceived, my wallet was hit pretty hard by their seemingly inherent squandering. I was no match for their weapon. There’s no way but to raise my white flag whenever they put on “the face.” You know, the look they make when they really want something, seizing my conscience as a hostage in an attempt to tear down my reasoning. Got to see the pictures now and I have to say everything was worth it. :)

Seems I got pass my mood swing. I end up agreeing with my mom, promised to go to the mall with my nieces and nephew, my nephew’s PSP fixed and my headache’s gone. Need to worry about packing my things later though. I am bound to Dubai very soon and there’s a lot of things I still need to do here. Well, the most irritating beings on earth turns out to be the most wonderful persons in the world. They have this uncanny ability to make me laugh even at my worst possible mood and I hate them for that. Haha… is these tears in my eye? I’m going to miss them for sure. Well, need to do some grooming.. need to look good at the mall cause you’ll never know… maybe I’ll find that special one there. :)
Matagal ko nang iniisip ang tungkol sa time travel. Noong bata ako naniniwala ako na may mga parallel universe at ang bawat maliit na gawin mo sa nakaraan ay magdudulot ng domino effect at magkakaroon ka ng isang panibagong buhay malayo sa nauna. Halimbawa: kung ang paborito kong kulay ay imbes na green ay black, ang mistulang maliit na bagay na to ay magreresulta sa bagay na malayo sa inaakala ng lahat. Imbes na inhinyero ako ay naging abugado pala ako dahil dito. Wala naman akong mga tools para gumawa ng isang time machine kaya ang ti-nry ko noon ay mga meditations at mga incantations. Pipikit ako saka ako iimbento ng mga tunog. Mag-coconcentrate ako sa isang punto sa aking buhay na kung saan ay gusto kong bumalik sa panahon na iyon. Pero sa kasawiang palad e hindi naman umubra ang lahat ng mga naisip kong paraan. Sinubukan ko na ring kiskisin ang takure namin sa pagbabakasakali na biglang may lumabas na genie at ubayaan ako ng tatlong hiling. Syempre ang pinakauna kong hiling ay yung makabalik sa aking pagkabata. Marami kasi akong gustong baguhin sa buhay ko. Kung may ‘undo’ button lang sana ang buhay edi andali sanang i-edit nito. Kung mababago sana ang buhay sa pamamagitan ng pagpapalit ng profile sa facebook. Ano nga uli yung tanong? ahhh.. ang panahon siguro na gusto kong balikan ay yung panahon kung kailan namatay si “micy” ang alaga kong daga. Kinder ako nuon at mahal na mahal ko si micy. May isang dangkal ang laki niya, kulay puti, at hinahayaan lang namin siyang maglagalag sa loob ng bahay. Pambihirang daga si micy. Napamahal na siya sa pamilya ko kaya kahit na nakabukas ang pinto ay hindi nya naiisipang maglayas. Ngunit katulad ng karamihan sa mga daga, namatay si micy sa mga panga ng pusa. Iniisip ko kung ano sana ang naging buhay ko kapag naprotektahan ko lang sana ng husto si micy. Siguro ay naging isa akong beterinaryo kung sakali o kaya’y isa na akong siyentista. Ewan ko, kaya ko nga gustong balikan.
My head is heavy and my face is numb. It’s 11:00Am and I just woke up. I gotta feeling it’s going to be hell today. Everybody in our friggin’ house wants something from me. My nieces want to go to the mall with me and they are like the most irritating beings on the planet. My mom’s calling me asking me things which she already knows. The nephew’s PSP seems to have malfunctioned and he cries to me for solution. I’m usually a sweetheart to my family but today I am just not myself. I love them but if I hear them call my name again I think I’m gonna loose it! hope this day would be short. :(
Three contractors are bidding to fix the White House fence. One from the Philippines, another from Mexico and an American. They went with a White House official to examine the fence.
The American contractor takes out a tape measure and does some measuring, then works out some figures with a pencil. “Well,” he says. “I figure the job will run about $900: $400 for materials, $400 for my crew and $100 profit for me.”
The Mexican contractor also does some measuring and figuring, then says, “I can do $700: $300 for materials, $300 for my crew and $100 profit for me.”
The Filipino contractor doesn’t measure or figure, but leans over to the White House official and whispers: “$2,700.” The official, incredulous, says, ” What? You didn’t even measure like the other guys! How did you come up with such a high figure?” How do you expect me to consider your service with that bid?
“Easy,” the Pinoy explains, “$1,000 for you, $1,000 for me and we hire the guy from Mexico”.
The Filipino got the contract!